Lalaki arestado sa pagvi-video sa babaeng naliligo sa Maynila



The Philippine National Police-National Capital Region Police Office (NCRPO) has launched an investigation into the…

The Philippine National Police (PNP) strengthened its partnership with China’s Fujian Provincial Public Security…

A delivery rider became an accidental hero in Tondo, Manila, after saving a child’s life.

At 26, Margarita Patrice Sy Penson deftly straddles the polar worlds of structured order and chaotic freedom. As a…
Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. on Thursday ordered the immediate…
Arestado ang isang 41-anyos na lalaki matapos mahuling nagvi-video ng isang babaeng naliligo sa Paco, Maynila.
Ayon sa Manila Police District, residente ng Barangay 819 ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9995 o mas kilala bilang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.
Batay sa salaysay ng biktima, kagagaling lamang niya sa pagligo at kukuha sana ng tuwalya nang mapansin niya ang isang kamay na may hawak na cellphone sa may pintuan ng banyo at palihim siyang kinukunan ng video.
Agad na tinakpan ng babae ang kanyang katawan gamit ang tuwalya at hinarap ang suspek, na mabilis namang tumakas matapos makompronta.
Kaagad na iniulat ng biktima ang insidente sa pulisya. Nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.