AKG nasagip ang dinukot na negosyante, tatlo arestado



Inspired by the world’s ultimate comfort foods, World Kitchens is a one-of-a-kind dining destination in Araneta City,…

The omakase-style dinner created by chef Watanabe takes an intimate omakase experience to a whole new level with a…

Seafood took over the City of Firsts as Araneta City held its first-ever seafood culinary showdown at Dampa at Farmers…

Despite receiving the letters, almost all missed the deadline.

The Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) on Wednesday dismissed reports that Senator Jinggoy Estrada slipped…
Idineklara ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang matagumpay na pagsagip sa isang Filipino businessman at pagkakaaresto sa mga umano’y dumukot sa kanya nitong Miyerkules, 18 Pebrero 2026.
Ayon sa AKG, dinukot ang biktima sa Mandaluyong City noong 12 Pebrero bandang 6:00 p.m., batay sa impormasyong ibinigay ng pamilya ng negosyante.
Humingi umano ng ransom na P50 million ang mga suspek, na kalaunan ay ibinaba sa P4 million.
Matapos magbigay ang pamilya ng P250,000, natunton ng mga operatiba ang kinaroroonan ng mga suspek sa Quezon City, na nagbunsod sa agarang pagsasagawa ng rescue operation.
Kinumpirma ni PNP-AKG chief Police Brig. Gen. Glicerio Cansilao na nasa kustodiya na ng pulisya ang tatlong suspek na nakilalang sina alias “Alvin,” alias “Tristan,” at alias “Mark.”
“Ikinagagalak naming iulat na ligtas na ang biktima at kapiling na muli ang kanyang pamilya,” ani Cansilao.
Bagaman naaresto na ang tatlong suspek at nahaharap sa mga kaukulang kaso, sinabi ni Cansilao na nagpapatuloy pa ang imbestigasyon habang tinutugis ang iba pang posibleng sangkot sa krimen.