Bonoan at Estrada, hindi muna papayagan makalabas ng bansa



Nagsilang na ang aktres at content creator na si Alex Gonzaga.

Sinigawan ng Pinoy fans na sumusuporta sa Thai stars si Fyang Smith sa katatapos na Star Magic All-Star Games 2026.

Happy fiesta ang mga baklang hayok, babaing kung kumilos at mag-inarte ay parang bading, bading na naging transwomen,…

Isang babae ang dinakip ng mga otoridad dahil sa extortion raket niya sa mga aplikante ng Bureau of Fire Protection…

Niresbakan ng tinaguriang "Pambansang Marites" Christian “Xian” Gaza si Kamanggagawa party-list Rep. Eli San Fernando…
Pinagbawalan munang makalabas ng bansa sina Jinggoy Estrada, dating DPWH Secretary Manny Bonoan, at iba pang sangkot habang nagpapatuloy ang imbestigasyon kaugnay ng maanomalyang flood control project.
Naglabas ang Manila Regional Trial Court Branch 52 ng precautionary hold departure order (PHDO) laban sa mga nabanggit na indibidwal.
Bukod kina Estrada at Bonoan, kabilang din sa saklaw ng PHDO sina dating Public Works Undersecretary Robert Bernardo, District Engineer Henry Alcantara, at Regional Director Opolencia. Nahaharap ang mga ito sa mga kasong plunder, graft, direct bribery, at corruption.
Ang naturang hold departure order ay inilabas ni RTC Judge Juan Raniola Jr. at ipinadala sa Bureau of Immigration noong Pebrero 10.