Barko ng Royal Australian Navy, dumaong sa Subic



TernoCon 2027, a convention and competition devoted to terno-making, began with its first mentoring and consultation…

When style submits to salvation

Universal Robina Corporation (URC) has inaugurated its 31-hectare Malvar Mega Plant, strengthening its manufacturing…

EVIS should issue certificates only after targets are met, while the government should fund them on time.

The Philippine Stock Exchange Inc. (PSE) reported a 19.8 percent increase in first-half net income to P608.38 million…
SUBIC BAY FREEPORT — Dumaong sa Naval Operating Base ng Philippine Fleet sa Subic ang barko ng Royal Australian Navy bilang bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan ng hukbong-dagat ng Pilipinas at Australia.
Ayon sa Philippine Fleet, nagsagawa ng port call ang HMAS Toowoomba noong 13 February at nakatakdang manatili hanggang 16 February. Layunin ng pagbisita na patibayin ang navy-to-navy relations at palawakin ang kooperasyon sa larangan ng maritime operations.
Pagdating sa Rivera Wharf sa Port of Subic, binigyan ng arrival honors ang barko at sinalubong ng delegasyon ng Philippine Navy na pinamunuan ni Commander Marlon A. Paca-Anas, Director ng Fleet Special Services Office.
Pinangunahan naman ni HMAS Toowoomba Commanding Officer Commander Alicia Harrison ang visiting delegation, na nagsagawa ng courtesy call kay Philippine Fleet Commander Rear Admiral Joe Anthony C. Orbe.
Tinalakay sa pulong ang pagpapalawak ng maritime cooperation, pagpapahusay ng interoperability, at mga posibleng joint activities ng dalawang hukbong-dagat.
Bahagi rin ng port visit ang Subject Matter Expert Exchanges (SMEEs) sakay ng HMAS Toowoomba. Lumahok ang mga tauhan ng Philippine Fleet sa workshops ukol sa Replenishment at Sea (RAS) at seaworthiness, na mahalaga sa tuloy-tuloy na operasyon at kahandaan sa dagat.
Nagsilbi rin ang aktibidad bilang paghahanda sa nalalapit na Exercise Kakadu, na inaasahang higit pang magpapatibay sa multilateral maritime cooperation at professional ties ng mga kalahok na navy.
Binigyang-diin ng Philippine Navy na ang pagbisita ay patunay ng magkatulad na hangarin ng Pilipinas at Australia na paigtingin ang maritime collaboration, pataasin ang operational interoperability, at suportahan ang seguridad at katatagan sa rehiyon.