Pinas, kinilala bilang Best Retirement Destination sa Asia

DEPARTMENT of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, tinanggap ang pagkilala para sa Pilipinas bilang pinakamatagumpay na destinasyon para sa mga retirado sa Asia.
Daily Tribune images.

DEPARTMENT of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, tinanggap ang pagkilala para sa Pilipinas bilang pinakamatagumpay na destinasyon para sa mga retirado sa Asia.
Daily Tribune images.

The Department of Education (DepEd) vowed accountability on Friday after students of a Baguio City high school were…

Businesses are being asked to identify government regulations that add unnecessary costs, delays or compliance…

The Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) is set to roll out a men’s division in a bid to further boost the…

The Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) was recognized as a key national government partner…

Nearly a year after winning Taiwan’s “Finding the Beauty of Life in Taiwan” short film competition, Filipino filmmaker…
Kinilala ang Pilipinas bilang “Best Retirement Destination in Asia” sa ika-11 edisyon ng TripZilla Excellence Awards 2025.
Ang naturang parangal ay ginawad noong 11 Pebrero bilang pagkilala sa bansa dahil sa abot-kayang gastusin sa pamumuhay, mainit na pagtanggap ng mga Pilipino, mataas na antas ng kasanayan sa wikang Ingles, at mga destinasyong madaling mapuntahan at kaaya-aya para sa mga retirado.
Ayon kay Philippine Retirement Authority (PRA) General Manager at CEO Roberto Zozobrado, ang natamong pagkilala ay higit pa sa isang internasyonal na parangal. Aniya, ito ay sumasalamin sa tiwala ng mga dayuhan sa bansa at sa positibong karanasang hatid ng Pilipinas—lalo na sa kabutihang-loob at malasakit ng mga Pilipino.
Malugod namang tinanggap ni Tourism Secretary Christina Frasco ang nasabing pagkilala para sa Pilipinas.