Truck, bumangga sa poste sa Ortigas, drayber nito, sugatan



Inulan ng batikos mula sa mga residente ng Rodriguez (Montalban), Rizal ang pahayag ni Municipal Mayor Ronnie…

Pati rin pala ang dyosang si Jessy Mendiola ay humaharap sa problemang kinahaharap ng maraming babae: partner na…

Timbog ang isang kilalang Duterte supporter at vlogger na si Julia Peruelo pati ang kaniyang kinakasama na si Christian…

Online muna ang klase sa La Salle Green Hills sa Mandaluyong City para sa mga mag-aaral mula pre-school hanggang Grade…

Hindi bababa sa 160 katao ang iniulat na nasawi dahil sa malawakang at biglaang pagbaha at pagguho ng lupa sa Himalayan…
Nasugatan ang driver ng isang 10-wheeler truck matapos itong bumangga sa isang poste ng kuryente sa westbound lane ng Ortigas Extension, sakop ng Barangay Rosario sa Pasig City.
Ayon sa Pasig Traffic Bureau, pauwi na sa Rizal ang driver matapos maghatid ng kargang aspalto nang mawalan umano ng preno ang sasakyan. Sa pagtatangkang makaiwas sa mas malaking pinsala at makahanap ng ligtas na pagbabanggaan, itinawid ng driver ang truck sa kabilang lane hanggang sa bumangga ito sa isang poste malapit sa isang gasolinahan.
Dahil sa lakas ng impact, wasak ang harapan ng truck at nagkalat ang semento sa tapat ng arko ng Dona Juliana Village. Nagdulot din ito ng power interruption sa mga establisimyento sa lugar at matinding abala sa daloy ng trapiko, lalo na’t kasabay ito ng rush hour.