Smuggling ng sigarilyo sa bansa, kinabahala ni Quimbo


Nakababahala ang patuloy na paglala ng smuggling ng sigarilyo sa bansa na nagdudulot ng bilyong pisong pagkalugi sa pamahalaan dahil sa hindi nakokolektang buwis.
Ito ang pahayag ni Marikina Rep. Miro Quimbo, chair ng House Committee on Ways and Means, sa isinagawang pagdinig kung saan iginiit niyang bukod sa pagkawala ng kita ng gobyerno, banta rin ito sa kalusugan ng publiko.
Isinagawa ang pagdinig matapos makasabat noong Enero ng 32 trak ng kontrabando na tinatayang nagkakahalaga ng ₱2.6 bilyon sa magkasanib na operasyon ng Bureau of Customs at PNP Highway Patrol Group sa Malabon at Batangas.
Ayon kay Quimbo, kung naipasok sa merkado ang mga nasabat na sigarilyo, aabot sa ₱1 bilyon ang mawawala sa gobyerno na dapat sana’y nakolektang buwis.
Dagdag pa niya, matagal nang suliranin ang smuggling ng sigarilyo ngunit ang higit na nakababahala ngayon ay ang lawak ng operasyon, na maituturing nang isang malaking sindikato o major criminal enterprise, na maihahambing sa operasyon noon ng POGO.
Giit ni Quimbo, malawak ang galaw ng grupo mula Luzon hanggang Mindanao, may mga dayuhang sangkot at may mga Pilipinong backer.
Binigyang-diin din niya na habang bumababa ang koleksiyon ng buwis sa sigarilyo, patuloy namang dumarami ang naninigarilyo taon-taon dahil mas mura ang mga kontrabandong sigarilyo na hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…