Paglubog ng MV Trins Kerstin 3, inimbestigahan sa Senado



Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang 53-anyos na electrician matapos umano nitong pasimpleng…

Noong Lunes halos apat na oras akong naghanap ng paraan para makauwi.

Hindi kumbinsido si Interior Secretary Jonvic Remulla na problema sa grado ang naging motibo sa likod ng pamamaril sa…

Nilinaw ni First Lady Liza Araneta-Marcos na hindi umano nangangahulugang tinalikuran ang mga pilipinong naapektuhan ng…
Isang insidente ng pamamaril ang naganap sa loob ng Ateneo de Zamboanga High School Campus umaga ng Martes, 18 ng…
Inimbestigahan ngayong araw ng Senate Committee on Public Services ang insidente ng paglubog ng MV Trins Kerstin 3 sa karagatan ng Basilan.
Sa pagbubukas ng pagdinig, inihayag ni DoTr Assistant Secretary Manuel Cabochan III na nagkaroon ng overloading sa mga pasahero.
Ayon sa kanya, 354 lamang ang pinapayagang bilang ng mga pasahero at may higit sa 27 crew ang maaaring sakay ng barko.
Gayunman, lumalabas na 293 ang nasagip matapos ang insidente, 52 ang kumpirmadong nasawi, at 24 ang nawawala.
Dagdag pa ni Cabochan, nagkaroon din ng overloading sa kargamento. Hindi umano dumaan sa weighing scale ang mga karga, dahilan upang maputol ang lashing na nagpapanatili ng stability ng barko. Dahil dito, ipinatigil o pinagbawalang bumiyahe ang mga barko ng Aleson Shipping Line Inc.
Samantala, iginiit ni Senador Raffy Tulfo na hindi siya papayag na administrative cases lamang ang isampa laban sa mga may-ari ng Aleson Shipping Lines at sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard at MARINA na umano’y nagpabaya.
Aniya, dapat ay kasong kriminal ang kaharapin ng mga ito dahil malinaw na may naganap na kapabayaan.