Friday, 28 August 2026
Nasdaq +1.57%
Subscribe NowSupport Us

Daily Tribune

Daily Tribune
Subscribe
Friday, 28 August 2026
  • News
  • Opinion
  • Business
  • Life
  • Show
  • Sports
  • Global Goals
  • Obituary
Partner feature

The Philippines' leading digital newspaper.

News
  • Headlines
  • Page three
  • Metro
  • Nation
  • World
  • Dyaryo Tirada
  • SONATOTOO (archive)
Opinion
  • All columnists
  • Editorials
  • Guest essays
  • Letters to the Editor
  • Scuttlebutt
Business
  • Shipping
  • Portraits
  • Pep
  • Business Advisories
  • Technology (Tech Talks)
Life
  • Show
  • Food & Drink
  • Getaways
  • Arts & Culture
  • Social Set
  • Spaces
  • Fashion & Beauty
  • The Edit
  • Top Form
  • Next Gen
  • Sacred Space
  • Project Larawan
  • Snaps
Sports
  • Hoops
  • Volley
  • Golf
  • Goal
  • Boxing
  • Tennis
  • Esports
  • Blast

Company

  • SONATOTOO archive
  • About
  • Contact
  • Advertise
  • Privacy
  • Subscribe
  • Support Us

© 2026 Daily Tribune · tribune.net.ph · Powered by Quintype

DYARYO TIRADA

Mga alegasyon ng pambabastos sa puntod, abusadong singil, umani ng galit

E

ENM·12 February 2026, 7:58 pm·1 MIN READ

Mga alegasyon ng pambabastos sa puntod, abusadong singil, umani ng galit

MINARKAHAN ng pulang X ang puntod ng ina ng isang lot owner sa Ala-Ala Memorial Park — isang hakbang na itinuturing ng mga pamilya bilang tahasang pambabastos at paglapastangan sa alaala ng kanilang mga yumao.

Photograph courtesy of Dennis Mangcucang

Text size

Share

Partner feature

Stay informed

Get Daily Tribune in your inbox

Breaking news, opinion, and business coverage for readers in the Philippines and abroad.

Subscribe to the newsletter

Read next

Storms wipe out P2.32B in farm output

Storms wipe out P2.32B in farm output

What's your take?

Share

Google Preferred Sources

Get more Daily Tribune stories in your search results

Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.

Add to Google

Continue reading

  • Iran unable to import petrol
    Iran unable to import petrol
  • Joshua holds fate of ‘Battle of Britain’
    Joshua holds fate of ‘Battle of Britain’
  • Start spreading the news
    Start spreading the news
Partner feature
Partner feature
Partner feature

Suggested Articles

PBBM receives honorary doctorate at PLM commencement
METRO

PBBM receives honorary doctorate at PLM commencement

Addressing the graduates, Marcos urged them to apply their education toward public service and national progress.

Pat C. Santos·4 hours ago

Industry experts lead 33rd National PR Congress at Solaire Resort North
BUSINESS

Industry experts lead 33rd National PR Congress at Solaire Resort North

DT·5 hours ago

Torre calls for partnership between gov’t, vendors
METRO

Torre calls for partnership between gov’t, vendors

Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Nicolas Torre III shared his personal connection to…

Jing Villamente·6 hours ago

Lost document
METRO

Lost document

Dear Atty. Maan,

Joji Alonso·6 hours ago

Do you think Sara cares, if we don‘t?
OPINION

Do you think Sara cares, if we don‘t?

That is what travel sometimes does. You leave looking for something new and find, unexpectedly, something you already…

Vivienne Angeles (VA),Carl Magadia,Jason Mago·8 hours ago

  • MAKIKITA ang mga lapida na may pulang X marks, na patuloy na nagpapasiklab ng galit ng mga lot owner at pamilya ng mga yumao na umano’y nabiktima ng vandalism at paglapastangan sa Ala-Ala Memorial Park sa Mogpog, Marinduque.

    MAKIKITA ang mga lapida na may pulang X marks, na patuloy na nagpapasiklab ng galit ng mga lot owner at pamilya ng mga yumao na umano’y nabiktima ng vandalism at paglapastangan sa Ala-Ala Memorial Park sa Mogpog, Marinduque.

    Photograph courtesy of Dennis Mangcucang

    Napupuno ng galit ang mga residente ng Mogpog, Marinduque at mga karatig-bayan dahil sa umano’y serye ng iregularidad ng pamunuan ng Ala-Ala Memorial Park — mula sa sobra-sobrang bayarin hanggang sa sinasabing paglapastangan sa mga puntod.

    Sa mga ulat na ipinadala sa DAILY TRIBUNE, inilahad ng mga residente ang galit sa anila’y mapang-abusong polisiya at pabigat na singil. Ayon sa kanila, bigla na lamang umanong dinoble o tripleng itinaas ang maintenance at renewal fees nang walang malinaw na paliwanag o konsultasyon.

    Ikinuwento ni Dennis Mangcucang, isang lot owner, na wala umanong dayalogo bago ipinatupad ang mga bagong bayarin. Aniya, ipinilit pa raw ang one-year advance payment para sa maintenance.

    Mas masakit, ayon kay Mangcucang, minarkahan pa ng pulang “X” ang puntod ng kanyang ina — isang eksenang aniya’y hindi niya inakalang mangyayari sa isang lugar na dapat ay sagrado.

    Dagdag pa niya, may mga ulat din umano ng pagtanggal ng lapida, pagbabawal sa mga pamilya na mag-ayos o magpanatili ng kanilang mga mausoleum, at mararahas na pananalita sa tuwing sinusubukan nilang bumisita.

    Isinalaysay rin niya ang isang insidente kung saan hininto ang isang libing dahil sa alitan sa bayarin, na nauwi sa sapilitang cremation ng yumao sa ibang bayan.

    “Napakalaking kawalanghiyaan ito. Wala man lang respeto sa mga patay,” pahayag niya.

    Habang naghahanda ng legal na hakbang, sinabi ni Mangcucang na nakipag-ugnayan na ang mga residente sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD). Pinayuhan silang tipunin at pormal na ihain ang kanilang mga reklamo para sa imbestigasyon.

    May iba pang lot owners ang nagreklamo sa umano’y pagbabawal ng memorial park na kumuha sila ng sariling contractors para sa pagpapatayo ng mausoleum — isa pang polisiyang itinuturing nilang hindi makatarungan.

    Sa social media, kinondena rin ng netizens ang isyu. Isang netizen ang nagpunto na may umiiral na mga batas, kabilang ang Code on Sanitation at Revised Penal Code, na nagpaparusa sa mga gawaing lumalapastangan sa mga libingan at nakasasakit sa damdaming panrelihiyon.

    Sa kabila ng lumalakas na panawagan ng publiko, nananatiling tikom ang pamunuan ng Ala-Ala Memorial Park sa mga alegasyon.

    • Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD)
    • mogpog, marinduque
    • Ala-Ala Memorial Park dispute
    • Grave desecration Marinduque
    • Ala-Ala Memorial Park Marinduque
    • grave desecration complaint
    • lot owners
    • maintenance fees