AFP, ipinaglaban ang karapatan sa Kalayaan Island Group


Vice President Sara Duterte defended her visits to detained political allies, saying persons deprived of liberty…

The Armed Forces of the Philippines (AFP) monitored 20,749 domestic and foreign vessels within national waters,…

The Armed Forces of the Philippines (AFP) reported Tuesday that it monitored a total of 20,749 vessels—both domestic…

The Ombudsman accused Marcoleta of receiving a total of P75 million in alleged donations before the 2025 national…

One of the lawyers of Senator Rodante Marcoleta told the Sandiganbayan First Division on Monday that the defense had…
Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na kabilang sa pambansang teritoryo na mandato nilang ipagtanggol ang Kalayaan Island Group (KIG) at Bajo de Masinloc, alinsunod sa Saligang Batas.
Ito ang pahayag ni AFP Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, bilang tugon sa sinabi ni Senador Rodante Marcoleta na mas mainam umanong ipamigay na lamang ang KIG dahil ito raw ay nasa labas ng exclusive economic zone (EEZ), gayundin ang ilan pang mga isla sa paligid ng naturang teritoryo.
Ayon kay Trinidad, tuloy-tuloy ang mandato ng AFP na pangalagaan ang pambansang soberanya at kapakanan ng mga Pilipino. Iginiit din niya ang paninindigan ng militar na hindi isusuko ang kahit isang pulgada ng teritoryo ng bansa, alinsunod sa direktiba ng Commander in Chief na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Hindi naman direktang nagkomento ang AFP laban sa naturang mambabatas at sa halip ay tiniyak ang patuloy na propesyonalismo ng militar sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Nauna nang sinabi ni Trinidad sa isang hiwalay na panayam na kanilang sinusuri ang posibilidad ng foreign interference sa pagpapakalat ng mga pro-China narrative, na maaaring umaabot na rin umano sa ilang opisyal ng pamahalaan.