

Nagbigay si Sec. Vince Dizon ng karagdagang limang araw na bakasyon na may bayad kada taon, na tinatawag na wellness leave, para sa mga empleyado upang isulong ang kanilang kalusugan at mental well-being.
Dahil sa dagdag na limang araw na wellness leave, ang mga empleyado at opisyal ng Department of Public Works and Highways ay magkakaroon na ng halos 40 araw na bakasyon kada taon. Kabilang dito ang 15 araw na vacation leave, 15 araw na sick leave, at 3 araw na special leave na maaaring gamitin taun-taon.
Ayon kay Sec. Dizon, saklaw ng polisiyang ito ang lahat ng permanent, temporary, co-terminus, at contractual na empleyado, kabilang ang mga nasa contract of service at job order.
Nilinaw rin ng kalihim na ang limang araw na wellness leave ay hindi maaaring i-convert sa cash.