Skip to content
DYARYO TIRADA

Bagong bukas na restaurant ni Matteo Guidicelli, inararo ng sasakyan

Matteo Guidicelli posted on Facebook the present situation of their family owned restaurant

Matteo Guidicelli posted on Facebook the present situation of their family owned restaurant

Matteo Guidicelli FB

Text size

Inararo ng isang sports utility vehicle (SUV) ang restaurant na pag-aari ng aktor at negosyanteng si Matteo Guidicelli sa Alabang, Muntinlupa.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Guidicelli na naganap ang insidente bandang alas-kuwatro ng hapon sa Da Gianni Cucina Italiana restaurant.

Ayon sa aktor, lubos ang kanyang pasasalamat na walang kostumer ang nasugatan.

Gayunman, dalawang empleyado niya ang nagtamo ng bahagyang pinsala. Dagdag pa niya, pansamantala munang isasara ang Al Fresco section ng restaurant upang sumailalim sa pagkukumpuni, habang magpapatuloy naman ang operasyon ng interior dining area.