
Photo courtesy of Iligan City Disaster Risk Reduction and Management Office/Facebook
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Umabot na sa pito ang kumpirmadong nasawi at pito rin ang sugatan matapos manalasa ang Bagyong Basyang sa Northern Mindanao.
Ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) Region 10 Director Antonio Sugarol, apat sa mga nasawi ay dulot ng pagguho ng lupa sa Barangay Agusan, Cagayan de Oro City.
Sa bilang ng mga sugatan, dalawa ang mula sa Cagayan de Oro City, tatlo sa Gingoog City, at dalawa naman sa Iligan City. Mayroon ding isang indibidwal na iniulat na nawawala sa Tagoloan, Lanao del Norte.
Samantala, una nang iniulat ng Public Information Officer ng Iligan City Police Office na tatlo ang nasawi sa kanilang lungsod, subalit hindi pa ito beripikado ng OCD-10. Kabilang umano sa mga ito ang isang mamamahayag na inatake sa puso habang binabaha ang kanilang tahanan, at dalawang bangkay na narekober mula sa ilog.
Sa kabuuan, mahigit 40,000 pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Basyang sa Northern Mindanao. Patuloy namang namamahagi ng pagkain at iba pang non-food items ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong residente.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…