
Nagbigay ng babala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista tungkol sa mga pekeng text…

Muling nagningning ang talentong pinoy sa international stage matapos magtanghal ang Filipino Broadway icon na si Lea…

Tinawag ni Senador Panfilo "Ping" Lacson noong Huwebes, 13 August, na mas masahol na bersyon ng pork barrel system ang…

Naglabas na ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang aktor at businessman na nahuling…
Isang guro ang dinukot sa bayan ng Maguing, Lanao del Sur.
Tumaas sa 2% ang inflation rate ng bansa noong Enero 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas kumpara sa naitalang 1.8% noong Disyembre 2025.
Gayunman, nananatili pa rin ito sa loob ng target range na 2–4% ng pamahalaan at pasok sa inaasahang forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 1.4% hanggang 2.2%.
Ayon sa mga ekonomista, ang pagbilis ng inflation ay pangunahing dulot ng tinatawag na “base effects,” bunsod ng mababang inflation rate na naitala noong 2025. Kabilang sa mga pangunahing salik ng pagtaas ang mas mataas na presyo ng bigas, isda, produktong petrolyo, kuryente, at renta sa bahay.
Nakadagdag din sa pagtaas ng inflation ang taunang pag-angat ng excise taxes sa alak at sigarilyo, pati na rin ang pagtaas ng singil sa tubig at toll fees. Noong 2025, bumaba ang average inflation sa 1.7%, ang pinakamababa sa loob ng siyam na taon.
Para sa taong 2026, inaasahan ng mga ekonomista na bahagyang bibilis ang inflation, ngunit mananatili pa rin ito sa loob ng target range ng BSP.