Grassfire sumiklab sa Taal Volcano Island


Sumiklab ang grass fire sa Taal Volcano Island noong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS).
Dalawa ang hinihinalang dahilan ng sunog: maaari umanong sanhi ito ng hindi wastong pagtatapon ng upos ng sigarilyo ng mga mangingisda, o dahil sa paggamit ng open flame bilang kasangkapan sa pagluluto.
Ayon sa pagsusuri ng Philippine Coast Guard at mga bumbero nitong Sabado, 31 January, gamit ang drone, wala na silang nakitang apoy sa lugar.
Paglilinaw naman ng mga awtoridad, wala umanong banta ang sunog sa mga karatig-pasilidad sa lugar.
Nanatili pa rin ang level one sa bulkan, habang nasa permanent danger zone ang isla, kung saan simula pa noong 2020 ay ipinagbabawal na ang paninirahan.
The Commission on Audit (CoA) has “affirmed with finality” its P73.28-million disallowance of confidential funds spent…
Car company Tesla has rolled out its autonomous taxi in Austin, Texas, USA.
First Lady Liza Araneta-Marcos joined members of the Philippine Constitution Association (PhilConsa) in celebrating its…