Suplay ng bigas, sapat ayon sa DA


Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat na ang suplay ng bigas sa bansa, kahit may ilang residente ng Bocaue, Bulacan na nagreklamo ng kahirapan sa pagbili. Ayon sa ilang negosyante, hirap din silang makakuha ng suplay ng bigas na kanilang ibinebenta, kung saan umaabot pa ng magdamag ang pila.
Ipinaliwanag ni DA spokesperson Arnel de Mesa na kakarating lamang sa bansa ang imported rice matapos ang import ban noong katapusan ng 2025. Dagdag pa niya, noong 22 Enero ay dumating na ang 248,000 metriko tonelada ng imported na bigas sa bansa.
Bukod dito, tuloy-tuloy ang pagdating ng bigas dahil pinayagan na ang mas maraming pantalan bilang bagsakan ng imported rice.
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…