

Isang Pakistani na naiulat na nambudol sa isang establisyimento ang agad namang hinuli ng Bocaue Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Igulot, sa bayan ng Bocaue, Bulacan nitong Enero 24, 2026.
Ayon sa Bulacan Police Provincial Office (BPPO), isang biktima ang nagreport sa Bocau MPS tungkol sa isang insidente ng swindling o budol sa naturang lugar.
Batay sa CCTV footage, ang mga suspek ay kumilos nang magkakasabwat: habang inaabala ng supspect na si alyas “Akhtar” ang biktima, palihim namang kinuha ng isa pang kaabwat nito ang halagang P30,000.00 mula sa kanyang bag kapalit ng isang dolyar, habang nililihis ng isang pang kasabwat ang atensyon ng mga tauhan ng tindahan.
Tumakas ang 2 kasabawat nito matapos ang insidente. Samantalang ay naaresto si “Akhtar” ng mga barangay tanod ng Brgy. Igulot at dinala sa himpilang ito para sa tamang disposisyon. Patuloy ang imbestigasyon upang matunton ang iba pang suspek.