Russian vlogger na nagbanta ng HIV, negatibo sa test

ARESTADO ang Russiqn vlogger na si Nikita Chekhov dahil sa pagbabanta na magkakalat ng sakit na HIV habang nasa Pilipinas.
Larawan mula sa Bureau of Immigration

ARESTADO ang Russiqn vlogger na si Nikita Chekhov dahil sa pagbabanta na magkakalat ng sakit na HIV habang nasa Pilipinas.
Larawan mula sa Bureau of Immigration

Unilever Philippines is strengthening its workplace inclusion initiatives through employee-led programs, inclusive…

Metrobank has released the third episode of its Moneygurado docuseries, examining how the Filipino value of hiya…

Some 630 BDO employees volunteered nationwide to help prepare six public schools for the opening of classes under the…

The Department of Finance (DoF) expects to generate about P30 billion from the planned sale of two major…
Agents from the National Bureau of Investigation (NBI) raided an illegal gambling operation disguised as a video game…
Nagnegatibo sa HIV ang Russian vlogger na inaresto matapos maglabas ng video kung saan nagbanta umano siyang magkalat ng sakit habang nasa Pilipinas.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, walang HIV ang dayuhang vlogger na si Nikita Chekhov, at ang kanyang pahayag ay ginawa lamang upang makakuha ng atensyon at mapalakas ang kanyang online content.
Gayunman, iginiit ni Remulla na ang naturang video ay nagdulot ng matinding takot at pangamba sa publiko, lalo na dahil sa sensitibong isyu ng kalusugan at kaligtasan.
Dagdag pa ng kalihim, ang mga kasong kinasasangkutan nina Chekhov at ng nauna nang na-deport na Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy ay malinaw na babala sa mga dayuhang nambabastos sa mga Pilipino o nagsasamantala sa kanilang pananatili sa bansa para gumawa ng mapanirang at nakaaalarmang online content.