

Trending topic ng pangmalakasan sa Ekis ang panawagang “PROTECT RHEN AT ALL COST” at ang Rhen na bida-bida sa trending topic ay ang sexy starlet na si Rhen Escaño.
Kung bakit ang mga nagmamahal at sumusuporta sa kanya ay may ganitong dramarama sa social media, dumagundong kasi sa IG story ni Rhen ang dalawang pasabog na pahayag, ang una: “Once and for all let me get straight to the point, I NEVER CHEATED ON HIM. Oh, the danger of a one-sided story. Using someone in your ‘life-story’ episode to sell lies, play the victim, and damage another person’s career crosses a line. That is not storytelling, It’s cruelty. That kind of manipulation is unforgivable.”
Sabi pa sa unang post ni Rhen: “And to those choosing to believe only one side, if you cannot seek the truth, if you cannot be fair, at least be kind with your words.”
Ang karugtong pa nito, ang ikalawang pahayag, ang inilalaman ay: “He made her the villain in his story. She stayed quiet for so long to save him. For years, she chose silence to protect his name even if it cost her own. Pero 2026 na, pa-victim ka pa rin.”
Bagamat hindi pinangalanan ni Escano ang pa-victim, tukoy na tukoy ito ng mga fan niya, at siyempre pa, kasama sa mga may alam ang pangkat katkatera at pulutong ng mga hitad at ano pa nga ba blooming, si Kokoy de Santos ito, ang talambuhay niyang itinanghal sa isang sikat na drama anthology, ay salat sa katotohanan, best in drawing, at ginawang balahura at talandi ang dating kasintahan nito. Tatlong taon rin ang naging relasyon nina pretty miss Escano at young master De Santos.
Ilan sa mga nagmamataray na posts mula sa mga may pawagan sa Ekis:
Mula sa handle naman na RhenSeph Diaries: “We stand with Rhen. We stand with clarity, not chaos. We support with integrity, hate.”
Ang ingliserang pahayag mula sa handle name na kanawoei: “Do you know how to spot an insecure, manipulating loser? It’s when they see you rising and they try to twist the narratives and make up lies to make themselves the victim, so they can drag you down with them!”
At ang talak mula sa micafangirl handle name: “We demand public apology, manchild of the year!”
Ang latest development, ang katambal ni sa Escaño:My Husband Is A Mafia Boss” na si Joseph Marco, all out ang pagsagip, protekyson at malasakit sa kanyang katambal.
At ang si Kokoy naman, sabi ng mga Rhen fanatic, ay sinisilip at sinusubaybayan ang IG stories ng kanyang dating minamahal.
Naku, dahil sa mga kaganapang ito, alam na alam na ang estrella ni Rhen Escaño ay talaga namang nag-luluninning, huh! Ewan ko na lang iyo, Kokoy de Santos. How could you?