Abogado ni Zaldy Co itinanggi ang umano’y ‘feelers’ sa gobyerno



BAGUIO CITY — SM City Baguio partnered with the Department of Information and Communications Technology-Cordillera to…

The Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) Region IV-A has…

The government needs more than P7 billion to keep electricity consumers from shouldering losses tied to power theft,…

Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) Chairman Alejandro Tengco said the agency’s monthly remittances to the…

Motorists face another round of higher pump prices this week, with regular diesel in Metro Manila potentially reaching…
Mariing itinanggi ng abogado ni dating Congressman Zaldy Co ang mga ulat na nagpapadala umano ang kanyang kliyente ng mga “feelers” sa pamahalaan sa pamamagitan ng ilang pari.
Ayon kay Atty. Ruy Rondain, wala raw ginagawang ganitong hakbang si Co at walang anumang pakikipag-ugnayan sa gobyerno ang dating Ako Bicol Party-list Representative. “Maliban na lang kung direktang nakausap siya, masasabi naming hindi otorisado ang nasabing ‘feelers,’” dagdag pa ng abogado.
Binigyang-diin ni Rondain na siya lamang ang may pahintulot na magsalita sa ngalan ng nagbitiw na kongresista.
Matatandaang sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na umano’y nagpadala si Co ng mga feelers sa Office of the Ombudsman para makipagdayalogo sa gobyerno, subalit hanggang ngayon ay hindi pa ito beripikado.