
Nagpasalamat si Barbie sa mga taong tumulong sa kanya upang mabuo ang kanyang dream home.
Walang pagsidlan ng tuwa si Barbie Imperial sa naipundar niyang bahay sa Bicol.
Proud na ipinost ni Barbie ang kanyang bahay na aniya ay produkto ng "puyat, pagod at iyak."
Sa kanyang Facebook post titled "MAY BAHAY NA AKO SA BICOL," super sayang ibinahagi ni Barbie ang bunga ng kanyang pagpupunyagi.
"oh my… 10 years in the industry and was able to put a roof over my mama and kuya’s heads, and now i have my own home in my province," say niya.
Nagpasalamat si Barbie sa mga taong tumulong sa kanya upang mabuo ang kanyang dream home.
"thank you to everyone who helped me achieve my dreams in life. i’m especially thankful to abs cbn and my starmagic family for all the projects they trusted me with. to everyone who trusted me and continues to trust me, thank you.
"nakakaiyak kasi sobrang pinagpaguran ko to ng ilang taon.. puyat, pagod, at ilang beses na iyak. huhu salamat sa diyos at syempre sa nagiisa kong lakas, mama.. para sayo to lahat.
"thank you to my cousin, architect @ar.pattmarbella @vestaarchitectsph for this beautiful design," dagdag pa niya.
Bongga ang career ni Barbie ngayon dahil kasama siya sa bagong action series ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson, ang Blood vs. Duty. Kasama rin sa cast sina Bela Padilla at Baron Geisler.