Alcantara haharap sa panibagong isyu ng flood control project sa Bulacan


Buddies, associates? One happy family?
A traditional dish called zongzi is served during China’s Dragon Boat Festival, which falls in June. It is a rice…
Divina credited the firm’s achievements to its members, thanking them for their ‘hard work, dedication, teamwork, and…
‘Sec. Vince Dizon, please explain how this finding of your own team should not be flagged as a ghost project in Taguig.’
Nadawit ang state witness na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan District Engineer Henry Alcantara sa panibagong hanay ng mga umano’y ghost flood control projects sa lalawigan ng Bulacan.
Ito ay kasunod ng pagbubunyag sa mga fraud audit report ng Commission on Audit (COA) na isinumite sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) at isinapubliko nitong Martes. Ayon sa ulat, ang DPWH Bulacan First District Engineering Office ang nagpatupad ng lahat ng naturang ghost flood control projects, na umabot sa kabuuang P325 milyon ang pondo.
Sa isinagawang pagsusuri ng mga state auditor, natuklasan ang paulit-ulit na palatandaan ng sistematikong maling paggamit ng pondo ng pamahalaan at malawakang iregularidad sa mga proyekto. Lumitaw na ang mga ghost project ay inilipat sa mga hindi aprubadong lokasyon—isang malinaw na paglabag sa mga patakaran sa procurement at kontrata.
Bukod dito, nawawala rin ang ilang mahahalagang dokumento, kabilang ang mga plano sa konstruksyon, detalyadong breakdown ng gastos, mga geotechnical investigation report, kumpletong statement of work ng mga natapos na proyekto, at mga aprubadong master plan.
Dahil dito, inirekomenda ng COA ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban kay Alcantara at sa iba pang dating mga inhinyero at kontratista ng DPWH.
Matatandaang noong Enero 15 ay tinanggap si Alcantara bilang isa sa apat na state witness sa kasong may kaugnayan sa umano’y anomalya sa mga flood control project.