Malacañang itinanggi ang paratang sa ICI


Pinabulaanan ng Malacañang ang mga kritiko na nagsasabing palabas lamang ang pagbuo ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at layong pagtakpan ang mga kaalyado ng administrasyon.
Sa isang press briefing, hinamon ni Palace Press Officer Claire Castro ang mga nagpapalutang ng naturang akusasyon na maglabas ng matibay na ebidensya upang patunayan ang kanilang mga paratang.
Ipinaalala rin ni Castro na kabilang si dating Senador Bong Revilla sa mga kandidatong sinuportahan ng administrasyon noong nakaraang halalan.
Kaugnay naman ng mga kumukuwestiyon sa kredibilidad at trabaho ng ICI, iginiit ni Castro na malinaw at sapat ang lawak ng mga ebidensya at dokumentong nakalap ng komisyon.
Dagdag pa ng opisyal, mas nararapat umanong tanungin ang mga kongresista kung ano na ang kanilang naging hakbang upang mapabilis ang pagsasabatas ng panukalang Independent People’s Commission Act, na kabilang sa mga prayoridad na panukala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…