Zubiri, nais i-reset ang kauna-unahang halalan sa BARMM

SENATOR Juan Miguel “Migz” Zubiri naghain ng panukala para ilagay sa 30 Marso 2026 ang unang parliamentary elections sa BARMM.
Photo courtesy of Senate of the Philippines

SENATOR Juan Miguel “Migz” Zubiri naghain ng panukala para ilagay sa 30 Marso 2026 ang unang parliamentary elections sa BARMM.
Photo courtesy of Senate of the Philippines

BOHOL — Bohol Governor Erico Aristotle Aumentado on Saturday declared a province-wide dengue outbreak after the…

Manila pet owners have been urged to take extra precautions against rabies after seven people were reported to have…

California lawmakers have approved legislation that would allow residents to use small solar systems that plug directly…

MILF plays a foundational role in administering and normalizing the BARMM.

Made in Korea season 2 continues the story of Ki-tae as he navigates a dangerous world of political power struggles,…
Naghain si Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri ng panukalang batas para i-reset ang kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa 30 Marso 2026.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 1587, layong amyendahan ang Bangsamoro Organic Law (BOL) para linawin ang legal na batayan ng halalan at itakda na ang pagsisimula ng termino ng mga mahahalal na opisyal sa 30 Abril 2026. Nakapaloob din sa panukala ang pagsasabay ng mga susunod na halalan sa BARMM sa pambansang halalan ng 2028 at sa bawat tatlong taon pagkatapos nito.
Ayon kay Zubiri, mahigit anim na taon na ang lumipas mula nang maitatag ang BARMM ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nakakaboto ang mga mamamayan para sa sarili nilang lider, isang kalagayang taliwas sa layunin ng sariling pamamahala at pagpapasya ng rehiyon.
Aniya, ang pagkaantala ng halalan ay bunga ng mga desisyon ng Korte Suprema, kabilang ang pagtanggal sa Sulu bilang bahagi ng BARMM at ang pagbasura sa 2025 redistricting law ng Bangsamoro Parliament. Dahil dito, kinailangan ang panibagong paghahanda sa mga distrito at estruktura ng halalan.
Ayon sa panukala, mananatili muna ang Bangsamoro Transition Authority bilang pansamantalang pamahalaan hanggang sa mahalal at makaupo ang mga bagong opisyal sa pamamagitan ng automated election.