Most wanted person ng San Jose, nasakote ng pulisya

Nasakote ng kapulisan ang most wanted person (MWP) ng Lungsod ng San Jose del Monte sa Blk. 21, Lot 16, Phase 2, San Jose Heights, Brgy. Muzon East nitong Enero 16, 2026.
Ayon sa Bulacan Police Provincial Office (BPPO), mga tauhan ng San Jose del Monte City Police Station (SJDM CPS), katuwang ang 301st Maneuver Company, RMFB 3, ang nakahuli sa suspek sa bisa ng warrant of arrest.
Kinilala ng hepe ng SJDM CPS, Police Lt. Col. Reyson M. Bagain, ang naarestong akusado na si alias Lito, 68 taong gulang, kasalukuyang naninirahan sa nasabing lugar.
Isinilbi sa kanya ang Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape (Art. 266-A(1) ng Revised Penal Code, as amended), dalawang bilang, na walang inirekomendang piyansa, docketed sa Criminal Case Nos. 331 at 332-SJDM-2025.
Ang warrant ay inisyu noong Disyembre 19, 2025 ni Hon. Ma. Cristina Gerinimo Juanson, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 5FC, CSJDM, Bulacan.
Alinsunod sa A.M. No. 21-06-08-SC, gumamit ng Body-Worn Camera ang mga operatiba sa isinagawang operasyon.
Matapos ang pagkakaaresto, ang suspek ay dinala sa Custodial Facility ng SJDM CPS para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa nag-isyu ng korte para sa tamang disposisyon ng kaso.Nasakote ng kapulisan ang most wanted person (MWP) ng siyudad ng San Jose sa Blk. 21, Lot 16, Phase 2, San Jose Heights, Brgy. Muzon East, Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan nitong Enero 16, 2026.
Ayon sa Bulacan Police Provincial Office (BPPO), mga tauhan ng San Jose del Monte City Police Station (SJDM CPS), katuwang ang 301st Maneuver Company, RMFB 3, ang nakahuli sa suspek sa bisa ng isang warrant of arrest.
Ayon sa ulat ni Police Lt. Col. Reyson M Bagain, Hepe ng SJDM CPS, kinilala ang naarestong akusado na si alias Lito, 68 taong gulangat kasalukuyang naninirahan sa nasabing lugar.
Isinilbi sa kanya ang Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape (Art. 266-A(1) of the Revised Penal Code, as amended), dalawang (2) bilang, na walang inirekomendang piyansa, docketed sa Criminal Case Nos. 331 to 332-SJDM-2025.
Ang warrant ay inisyu noong Disyembre 19, 2025 ni Hon. Ma. Cristina Gerinimo Juanson, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 5FC, CSJDM, Bulacan.
Alinsunod sa A.M. No. 21-06-08-SC, gumamit ng Body-Worn Camera ang mga operatiba sa isinagawang operasyon.
Matapos ang pagkakaaresto, ang akusado ay dinala at kasalukuyang nakadetine sa Custodial Facility ng SJDM CPS para sa kaukulang dokumentasyon bago ang pagbabalik sa nag-isyu ng korte para sa tamang disposisyon ng kaso.
