
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

KINUMPIRMA ng John Hay Management Corporation ang insidente na kinasangkutan ng libreng electric shuttle bus noong hapon ng 16 Enero 2026.
Contributed photo via Aldwin Quitasol for Daily Tribune images.
What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
BAGUIO CITY — Kinumpirma ng John Hay Management Corporation (JHMC) ang isang aksidente na kinasangkutan ng libreng electric shuttle bus noong hapon ng 16 Enero 2026.
Wala pang inilalabas na opisyal na police report kaugnay ng insidente. Gayunman, base sa mga paunang ulat ng media, isang tao ang nasawi habang apat naman ang nasugatan at isinugod sa ospital.
Ang nasawi ay isang 63-anyos na babae mula sa Manaoag, Pangasinan, na kasama ang kanyang pamilya sa Camp John Hay para sana sa isang piknik bilang bahagi ng pagdiriwang ng kasal ng isa nilang kaanak.
Ayon kay JHMC President at Chief Executive Officer Manjit Singh Reandi, kasalukuyan nang isinasagawa ang isang imbestigasyon kaugnay ng insidente. Sinabi niyang personal niyang mino-monitor ang sitwasyon at inatasan na niya ang mga team ng JHMC na magsagawa ng pormal na pagsusuri at imbestigasyon.
“Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan ang JHMC sa Philippine National Police at sa Cordillera Basic Sector Transport Cooperative, ang operator ng John Hay Loop, upang mapatunayan ang mga detalye at matiyak ang tamang tugon,” ani Reandi. “Layunin ng koordinasyong ito na mabuo ang malinaw na timeline at buong pangyayari.”
Dagdag pa ng pamunuan, wala pa silang inilalabas na partikular na detalye hinggil sa uri ng aksidente. Sinabi ng JHMC na maglalabas sila ng isang kumprehensibong pahayag sa publiko kapag tapos na ang imbestigasyon at ganap nang napatunayan ang lahat ng detalye.