Tatlo arestado sa Pasig drug buy-bust operation



Ombudsman Jesus Crispin Remulla said Tuesday his office is investigating infrastructure projects in Davao City, which…

SM City Cabanatuan is hosting “Kwento ng Lapis,” an exhibition by Filipina artist Anabel Pangalangan that turns pencil…

Residents in Purok Indilicio, Barangay Guadalupe in Bogo City expressed fears Monday regarding an expanding ground…

The local government of Pasig City and Unilab Foundation Inc. (ULF)entered into a partnership aimed at strengthening…

BAGUIO CITY — Authorities here urged the public to avoid relying solely on social media or online searches to determine…
Tatlong hinihinalang nagtutulak ng droga ang naaresto matapos ang isang buy-bust operation sa Caruncho Avenue, Barangay Palatiw, Pasig City, madaling-araw ng Biyernes, 16 January 2026.
Kinilala lamang sa kanilang mga alyas ang mga suspek na sina alias Dagul, 25; alias Virgil, 26; at alias Kleintz, 25. Lahat sila ay residente ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.
Ayon sa pulisya, isinagawa ang operasyon bandang 4:30 ng umaga, kung saan nasamsam mula sa mga suspek ang 12 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 20 gramo. Tinatayang nagkakahalaga ng P136,000 ang nasabat na droga.
Nakumpiska rin sa operasyon ang isang P500 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang brown pouch, dalawang cellphone na HONOR at TECHNO ang tatak, at isang RUSI motorcycle na may sidecar.
Kasalukuyang nakakulong ang tatlong suspek sa custodial facility ng Pasig City Police Station at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.