SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Janine Berdin sinopla ang basher

PAGLILINAW ng dalaga, wala siyang ipinagawa sa kanyang mukha kundi ilong lang.
PAGLILINAW ng dalaga, wala siyang ipinagawa sa kanyang mukha kundi ilong lang.LARAWAN MULA SA FACEBOOK
Published on

Hindi pinalampas ni Janine Berdin ang panglalait sa kanyang hitsura ng isang basher.

Ang claim kasi ng basher, hindi na makilala ang Tawag ng Tanghalan grand winner dahil ang dami nitong ipinaretoke.

Sa Facebook, pumalag si Janine.

"Pa-rant BAHAHA: Andaming tao sa comments ko na “WALA NG TRACE NG JANINE SA MUKA NYA” behhh I was around 15 years old when you saw me on TV. 16 years old ako nung nanalo ako sa TNT, 8 years ago yun. I’m 23 now bro," say niya.

Paglilinaw ng dalaga, wala siyang ipinagawa sa kanyang mukha kundi ilong lang.

"Ilong lang pinaayos ko pre kasi trip at afford ko bakit ba. Tska pri makeup yan pri (crying emoji) turuan ko nalang kayo magmakeup pri para di na kayo mainggit pri," paglilinaw ng dalaga.

Kung ang feeling ng mga bashers ay magkakamukha ang mga celebrities na nagpaparetoke, iyon din ang tingin ni Janine sa mga bashers.

"Magkakamukha na raw kami lahat pero huhuhu sila rin naman magkakamukha - mga weirdo usually mga questionable talaga yung mga itsura ng mga nambabash huhuhu

"No secure, happy and BEAUTIFUL person has the time to spread hate. So you guys are really just telling on yourselves blehhhh," say niya sa mgs bashers.

"but all love to the people who see me for who I am (heart emoji) I’m really just here for the music Lol. But so what if you want to color your hair orange, decide to switch up your style, or wear a frickin wig bro? Like honestly no one should care. Do shit for yourself cuz this life is yours - the coffin only has space for one. 

"Be so obsessed with taking care of yourself and you’ll also grow for the better. Baka kase napabayaan nyo na sarili nyo kaya magkaiba tayo ng evolution pri…………………..Wag agalet," dagdag pa niya.

Sa huli ay ipinaliwanag ni Janine na nagbago na talaga siya.

“You’ve changed.” Isn’t that the point of not being 16 anymore?" say niya.

logo
Daily Tribune
tribune.net.ph