SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Shear line nagdulot ng malawakang pagbaha sa Eastern Samar

LUBOG sa baha ngayon ang Eastern Samar dahil sa shear line.
LUBOG sa baha ngayon ang Eastern Samar dahil sa shear line.Photo courtesy of PNA
Published on

EASTERN SAMAR — Mahigit 90,000 katao ang naapektuhan ng malalakas na ulan dulot ng shear line sa lalawigan, kung saan isang mangingisda ang nasawi at isa pa ang nailigtas matapos tumaob ang kanilang bangka, ayon sa provincial disaster officials nitong Miyerkules, 07 January 2026.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), hanggang Martes ng gabi ay umabot na sa 32,198 pamilya o 90,531 indibidwal mula sa 12 munisipalidad at Borongan City ang apektado ng tuluy-tuloy na pag-ulan.

Umabot sa kritikal na lebel ang pagbaha noong weekend, dahilan upang lumikas ang hindi bababa sa 717 pamilya sa mga bayan ng Jipapad, Maslog, Balangiga, at Arteche.

Bagaman karamihan sa mga evacuee ay nakabalik na sa kanilang mga tahanan noong Lunes habang unti-unting humuhupa ang baha, ilang barangay sa pitong bayan ang nananatiling lubog sa tubig hanggang Martes ng hapon.

Pinakamalubha ang sitwasyon sa bayan ng Maslog, kung saan umabot sa limang metro ang taas ng baha sa tatlong downtown barangay sa kasagsagan ng ulan.

Kinumpirma rin ng mga awtoridad ang pagkamatay ni Anthony Flores, 50 anyos, isang mangingisda mula sa Llorente na naiulat na nawawala matapos pumalaot noong 02 January sa kabila ng masamang panahon. Natagpuan ang kanyang bangkay madaling-araw ng Miyerkules.

Ang kanyang kasama na si Ian Allestre, 25 anyos, ay nailigtas noong Lunes sa bayan ng Salcedo. Ayon kay Allestre, tumaob ang kanilang bangka noong Linggo ng hapon dahil sa malalakas na alon, at nagkahiwalay sila habang sinusubukang lumangoy papunta sa pampang.

Patuloy pa ang assessment ng mga opisyal sa lawak ng pinsala sa mga bahay, agrikultura, at imprastraktura. Ayon sa ulat, bumuti na ang lagay ng panahon simula noong Lunes.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph