
Former Caloocan congressman Edgar Erice
Photo from PNA
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Nanatiling desidido si House Senior Deputy Minority Leader Edgar Erice na isampa sa Korte Suprema ang usapin hinggil sa pinagtibay na unprogrammed appropriations sa ilalim ng panukalang 2026 national budget.
Ito ay sa kabila ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa P92.5 bilyong halaga ng tinatawag na unprogrammed appropriations.
Sa isang panayam, iginiit ni Erice na labag sa Section 22, Article VII ng Saligang Batas ang ganitong uri ng pondo dahil kinakailangang malinaw at tiyak ang pinagmumulan ng badyet bago ito magamit para sa mga gastusin ng pamahalaan.
Tinukoy rin ni Erice ang naging desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng PhilHealth, partikular ang opinyon ni Associate Justice Raul Hernando, na nagsasaad na ang lahat ng anyo ng unprogrammed appropriations ay labag sa Konstitusyon.
Sa ilalim ng panukalang 2026 national budget, ibinaba ang unprogrammed appropriations sa P150.9 bilyon—ang pinakamababang antas nito mula noong 2019.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…