
Monthly inflation rate in China from September 2021 to September 2023 | Source: Statista
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Bumilis sa 1.8 porsiyento ang inflation rate, o ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa, noong Disyembre ng nakaraang taon, ayon sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mataas ito kumpara sa 1.5 porsiyento na naitala noong Nobyembre 2025, ngunit mas mababa naman kaysa sa 2.9 porsiyento noong Disyembre 2024.
Sinabi ni PSA Undersecretary at National Statistician Dennis Mapa na pangunahing dahilan ng pagbilis ng inflation ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain, partikular ang mga gulay at mga produktong gawa sa arina na karaniwang kinokonsumo tuwing panahon ng kapaskuhan.
Nakaapekto rin umano ang mga malalakas na bagyong tumama sa bansa noong Nobyembre, na nagdulot ng kakulangan sa suplay ng mga gulay, lalo na mula sa mga lalawigan sa labas ng National Capital Region (NCR). Gayunman, umaasa ang PSA na pansamantala lamang ang pagtaas ng presyo ng mga naturang produkto at inaasahang bababa na ito pagsapit ng Enero.
Ipinaliwanag din ni Usec. Mapa na ang 1.7 porsiyentong average inflation rate noong 2025 ang pinakamababa mula pa noong 2016. Dagdag pa niya, ang annual average inflation noong 2025 ay pasok sa itinakdang target ng pamahalaan na 2 hanggang 4 na porsiyento.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…