SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Andrea Brillantes bitbit bagong jowa sa ‘paputukan’

Andrea Brillantes bitbit bagong jowa sa ‘paputukan’
Published on

Jowa reveal talaga ang galawang ginawa ni  Andrea Brillantes dahil nga bitbit-bitbit nito at ipinangalandakan sa madlang pipol  in a major majarr way ang kanyang bagong ka-close at tunay  na kasintahan, si Franchesko Juan Capistrano.

May panalong sighting ang magsing-irog sa paputukan at concert sa BGC.  Sa kanilang mga salaysay sa IG, may larawan si Blythe at si Pakie (palayaw ni Franchesko) na magkayap at sa IG naman ni young master Capistrano eh magdikit pisngi ang mga nagmamahalan.

The WHO ang binatang Capistrano? Naku hindi siya puwedeng i-the WHO dahil alta ang kanyang pamilya, may yayamaning resort sila Lucban, Quezon, nag-aaral ito sa Endurun na bukod tanging tunay na shala lamang ang makaka-afford ng tuition fee at kasapi ito sa Endurun basketball team at manlalaro rin ito sa San Juan Knights.

Ang panalo pang chika, bunso si Franchesco ng mga Capistrano at may kaunting agwat ang edad ni Brillantes sa kanyang itinatangi. At eto pa, na-meet na ang parents at la famille ni Andrea ang lahat ng mga espesyal na tao sa buhay ni Franchesko.

Ang wish ko lang ng mga taga-hanga ni Andrea eh maging pangmalakasan at pangmatagalan ang kanyang bagong relasyon.

Si Blythe ay palagiang hinahangaan sa kanyang pagdadala sa sarili sa tuwing natutuldukan ang kanyang relasyon.  Hindi mo ito makikitang nagpapa-hara-hara sa kung saan-saan.  Mas lalong walang moment na makikita mo itong best in walwalan.  Deadma rin ito sa mga  matatalinhagang paandar sa social media. At higit sa lahat, iniingatan nito ang kanyang sarili, ang pagiging babae at pagkababae.

Kaya nga hindi lang pangarap, jackpot na jackpot sina Andrea Brillantes at Franchesko Capistrano sa kanilang relasyon, huh!

At ganiyan dapat ang nagmamahalan, walang halong pag-iimbot at buong katapatang ipinangangalandakan sa lahat na: “Oo, kami na nga at nagmamahalan kami.”

Maliban sa kanyang bagong romansa, abang na abang na rin ang mga nagmamahal at sumusuporta kay Andrea sa bago niyang palatuntunan, ang “A Secret in Prague” kung saan ang bago niyang kapareha ay si Enrique Gil.  Ito rin ang unang proyekto ni Bythe bilang Media Quest/TV 5 star.

Sa true lang, walang duda at mas lalong walang halong kiyeme latik, si Andrea Brillantes ang pinaka-malaki at pinaka-makinang na artistang babae sa istasyon ni Manny Pangiiinan, ‘noh.

Estrella kung estrella ang karera ni Andrea Brillantes at palong-palo pa ang romansa at pagmamahalan.  Ikaw na talaga Blythe, ang bukod tanging babae na pinagpala sa lahat  It’s you na already!

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph