
Sherra de Juan with the QCPD MDU
Photo courtesy of QCPD
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Sumailalim sa medical assessment ang missing bride-to-be na si Sherra De Juan sa Quezon City Police District (QCPD) Medical and Dental Unit (MDU) nitong Martes.
Si De Juan ay naiulat na nawawala ilang araw bago ang itinakda sana niyang kasal at matagpuan sa lalawigan ng Pangasinan nitong Lunes.
Batay sa pagsusuri, sinabi ni De Juan na nakararanas siya ng pagduduwal. Ayon sa QCPD, lumabas na ilang araw halos tubig lamang ang kanyang iniinom at kamakailan lamang muling kumain, na posibleng naging sanhi ng kanyang hindi maayos na pakiramdam.
Wala naman umanong nakitang palatandaan ng seryosong karamdaman ang mga medical personnel at nanatiling maayos ang kanyang vital signs.
Dagdag ng QCPD, ang kanyang kondisyon ay maaaring dulot ng acid-peptic disease o dyspepsia, na karaniwang sanhi ng hindi regular na pagkain at biglaang muling pagkain matapos ang matagal na pag-aayuno.
Binigyan si De Juan ng angkop na gamot at pinayuhan ukol sa tamang pagkain at sapat na pahinga.
Si De Juan ay naiulat na nawawala ilang araw bago ang itinakda sana niyang kasal at matagpuan sa lalawigan ng Pangasinan nitong Lunes.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…