SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Rep. Leviste nanawagan sa DPWH ukol sa Cabral files

NANAWAGAN si Batangas First District Representative Leandro Leviste sa Department of Public Works and Highways na isapubliko ang opisyal na kopya ng tinatawag na Cabral files.
NANAWAGAN si Batangas First District Representative Leandro Leviste sa Department of Public Works and Highways na isapubliko ang opisyal na kopya ng tinatawag na Cabral files.Photograph courtesy of Solar Philippines
Published on

Nanawagan si Batangas First District Representative Leandro Leviste sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na ilabas sa publiko ang opisyal na kopya ng tinatawag na Cabral files, na umano’y naglalaman ng mga detalye ng budget allocation para sa mga proyekto ng ahensya sa bawat congressional district.

Ayon sa mambabatas, mahalagang linawin ng DPWH kung ang mga halagang nakasaad sa dokumento ay tunay na pondong inilalaan sa mga kongresista. Ibinunyag din niya na may ilang kapwa mambabatas na umano’y humarang sa kanyang planong magbigay ng privilege speech ukol sa isyu.

Dagdag pa ni Leviste, may mga kopya na umano ng naturang mga dokumento ang DPWH, Office of the Ombudsman, at ilang media organization, na aniya’y patunay na hindi gawa-gawa ang mga ito. Binanggit din niya na nais umano ni DPWH Secretary Vince Dizon na isapubliko ang mga files bilang bahagi ng isinusulong na reporma sa ahensya.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph