

Ipagdiriwang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Pasko at Bagong Taon nang malayo sa kaniyang pamilya matapos ipagbawal ng International Criminal Court (ICC) ang pagdalaw sa panahon ng holiday season.
Kinumpirma ng kaniyang bunsong anak na si Veronica “Kitty” Duterte ang naturang impormasyon.
Ayon sa kaniya, kamakailan lamang niya ito nalaman at labis na nadismaya ang dating Pangulo nang ipaalam sa kaniya na hindi siya madadalaw ng kaniyang pamilya sa Pasko at Bagong Taon.
Sa kabila nito, sinabi ni Kitty na mananatili sila sa labas ng ICC detention facility kasama ang kanilang ina, gayundin ang mga Pilipino at banyagang tagasuporta ng kanyang ama.
Muling dumating si Kitty sa The Hague, Netherlands noong Disyembre 19.
Aniya, nang dalawin niya ang kanilang ama, maayos naman ang kalagayan nito bagama’t aminado siyang hindi na ito nasa pinakamainam na kondisyon at hindi na kasing lakas tulad ng dati.