Bagong emergency room, binuksan sa ospital ng Sampaloc


Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…
Opisyal nang binuksan ang bagong emergency room ng Ospital ng Sampaloc sa Maynila. Ito ay isang modernisadong pasilidad na layong pabilisin at pagbutihin ang serbisyong pangkalusugan para sa mga Manileño.
Tampok sa bagong pasilidad ang mga nurse station, minor operating rooms, makabagong hospital beds, embedded oxygen system, at pharmacy window. Bukod dito, mayroon ding maayos na mga palikuran, mas maluwag at organisadong lobby, at waiting area para sa mga pasyente at kanilang mga bisita.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, inaasahang mapapalakas ng makabagong pasilidad ang emergency response capacity ng Ospital ng Sampaloc bilang bahagi ng patuloy na pagpapahusay ng mga serbisyong pangkalusugan na ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga residente nito.