Rep. Romeo Acop pumanaw na



House Speaker Faustino “Bojie” Dy on Monday urged lawmakers to set aside political differences, practice patience and…

Lawmakers are expected to tackle proposed amendments to the Universal Health Care Act, Rice Tariffication Law,…

Senator Christopher “Bong” Go challenged young leaders to remain grounded in the realities faced by ordinary Filipinos,…

First Lady Liza Araneta-Marcos recently graced the opening of the Philippine General Hospital’s (PGH) Bone Marrow…

Unknown to a lot of people, the heart, kidney and the metabolic system are closely interconnected. Meaning, once one…
Pumanaw na si Antipolo City 2nd District Representative Romeo Acop, ayon sa kumpirmasyon ni Deputy Speaker Ronaldo Puno, na matagal na niyang kaibigan. Ayon kay Puno, nagdulot ng matinding kalungkutan sa Kongreso at sa buong bansa ang pagpanaw ng mambabatas.
Sa mensaheng ipinadala ni Rep. Puno, ibinahagi niyang sumailalim si Acop sa isang matagumpay na kidney transplant noong 28 Nobyembre 2025 at naging maayos ang kanyang kalagayan matapos ang operasyon. Siya ay nagpapagaling na at unti-unti nang nakakabangon, kaya’t naging positibo ang kanyang mga kasamahan at umaasang makababalik siya agad sa kanyang tungkulin.
Gayunman, biglaan umanong inatake sa puso si Rep. Acop na siyang naging sanhi ng kanyang pagpanaw. Ang hindi inaasahang pangyayari ay labis na ikinagulat at ikinalungkot ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at kapwa lingkod-bayan.
Ibinahagi ni Deputy Speaker Puno na mahigit 25 taon niyang nakasama at nakatrabaho si Acop, na kanyang inilarawan bilang isang tapat, matapang, at marangal na lingkod-bayan na buong pusong naglingkod sa sambayanang Pilipino.
Dagdag pa niya, malaking kawalan para sa Kongreso at sa bansa ang pagpanaw ni Rep. Acop, lalo na sa gitna ng kanyang patuloy na paglilingkod at pagsusulong ng mga adbokasiya para sa kaayusan at kapakanan ng mamamayan.