
BICAM livestream Solons discuss the proposed 2026 budget on the first day of the Bicameral Conference Committee, also for the first time open to public view via livestream and media coverage, at the Philippine International Convention Center in Pasay City on Saturday, 13 December: The Senate contingent included (from top left) Senators Bong Go, Mark Villar, Imee Marcos, Loren Legarda, Win Gatchalian and Erwin Tulfo. The House of Representatives panel led by House Appropriations Committee chairperson Mika Suansing (fifth from left).
Aram Lascano/SPPA POOL/Senate PRIB
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Umapela ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa Bicameral Conference Committee na agad isapubliko ang kumpletong listahan ng mga kontrobersyal na “allocables.”
Ayon sa grupo, ang allocables ay maituturing na bagong pork barrel o mga pondong iligal na inilalaan, katulad ng pork barrel fund na dati nang idineklara ng Korte Suprema bilang labag sa batas.
Sa inilabas na pahayag ng BAYAN, umapela sa Bicam na isapubliko ang lahat ng mga naisingit at naipalit na pondo mula sa orihinal na nilalaman ng panukalang pondo para sa 2026.
Iginiit din ng grupo na dapat ay malinaw at naka-itemize ang listahan ng mga pondong inilaan para sa bawat district congressman, party-list representative, at senador.
Sa ganitong paraan ay magkakaroon ang publiko na ma-access ang laman ng panukalang pondoat magkaroon sila ng pagkakataon na makapagbigay ng sariling feedback ukol sa pondo.
Nagbabala ang grupo na ang pagmamadali sa pagpasa ng pambansang badyet para sa 2026 ay lalo lamang magpapalakas sa hinala ng publiko na ang pondo ay hinulma upang mapakinabangan ng iilan.
Binigyang-diin ng BAYAN na kinakailangang maglabas ng parehong hard at digital na kopya ng 2026 national budget, alinsunod sa pangako ng dalawang kapulungan ng Kongreso na gawing bukas at transparent ang mga deliberasyon sa budget.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…