Nag-viral at naging usap-usapan sa social media ang video ng isang drayber ng pick-up na humampas sa ulo ng isang lalaking nagtutulak ng kariton sa kalsada sa Antipolo City.
Ipinatawag na ng Land Transportation Office (LTO) ang may-ari at drayber ng puting Toyota Hilux na sangkot sa insidente ng pananagasa at pananakit sa lalaki na kasama ang kanyang batang anak na babae.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Marcus Lacanilao, hindi kukunsintihin ng ahensya ang ganitong uri ng asal sa mga lansangan.
Bukod sa 90-araw na suspensyon ng lisensya ng drayber, inatasan din ng LTO ang drayber at ang rehistradong may-ari ng nasabing sasakyan na magpaliwanag kaugnay ng insidente.
Hindu immigrants abroad celebrate in either August or September Ganesh Chaturthi, a 10-day festival commemorating the…
President Ferdinand Marcos Jr. on Tuesday called for women’s greater representation in leadership across Southeast…
The Senate impeachment court on Tuesday denied the prosecution’s bid to compel Vice President Sara Duterte to confirm…