Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nasaktan sa pamamaril na naganap sa Bondi Beach, Sydney, Australia, na ikinasawi ng 12 katao at ikinasugat ng 30 iba pa.
Nangyari ang insidente noong Disyembre 14 habang ginaganap ang isang pagdiriwang ng Hanukkah ng Jewish community, kung saan maraming tao ang nagtipon. Ayon kay New South Wales Police Commissioner Mal Lanyon, isang suspek ang napatay sa lugar ng insidente habang ang isa pa ay nasa kritikal na kondisyon.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may ikatlong gunman na sangkot. Natagpuan din sa lugar ang mga hinihinalang improvised explosive devices na ginamit sa pag-atake.
Mariing kinondena ni Prime Minister Anthony Albanese ang insidente at tinawag itong isang target na pag-atake laban sa Jewish community.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang DFA sa mga biktima at kanilang mga pamilya, at pinaalalahanan ang mga Pilipino sa Sydney na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga abiso ng lokal na awtoridad. Hinikayat din ang mga nangangailangan ng tulong na makipag-ugnayan sa Philippine Consulate General sa Sydney.
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…