SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Palasyo: Alegasyon vs VP Sara dapat imbestigahan

Palasyo: Alegasyon vs VP Sara dapat imbestigahan
Banner by Sheila Figueroa for Daily Tribune.
Published on

Inanunsyo ng Malacanang nitong Biyernes na dapat umanong imbestigahang mabuti ang mga criminal complaints na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay matapos ihain sa Office of the Ombudsman ang criminal complaints kung saan kabilang dito ang plunder, graft, bribery at malversation kaugnay sa malaming paggamit umano ng P612.5 million confidential funds.

“Muli, kung ito naman po ay mayroon silang basehan para masampahan ng kaso ang Bise Presidente, depende na po iyan sa mga complainants,” saad ni Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing.

“Kung ano po ang isinasaad sa kanilang complaint, kung nakapag-attach sila ng kanilang mga ebidensiya, mas maganda pong maimbestigahan ito nang mabuti,” dagdag niya.

Kaugnay naman sa mga alegasyon na ipinagbawal umano kay BJMP detainee Ramil Madriaga ang paninira sa mga Duterte na mayroon umanong kilalang mga drug lords at POGO operators ang kanilang pamilya, sinabi ni Castro na dapat ay si VP Sara na umano mismo ang kanilang tanungin.

“Nabasa nga po ito at nadinig na po at nakita kung ano iyong naging statement nitong si Ramil Madriaga na diumano ay bagman ng Bise Presidente, at nagsasabi pa na ang mga POGO operators at drug lords ang siyang nag-finance sa pangangampaniya ng Bise Presidente,” sabi ni Castro.

“Kung ano ang masasabi ng Palasyo rito, mas maganda po siguro na si Bise Presidente muna ang inyong tanungin at kung ito ay kaniyang mapapasinungalingan,” dagdag niya.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph