
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Photo courtesy of PNA
What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Higit sa 14,000 na mga miyembo ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nadeploy na sa mga strategic areas sa Metro Manila bilang paghahanda sa holiday season.
Sa isang pahayag, sinabi ni NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin na ilang police officers at allied security personnel ang naipakalat na sa mga simbahan, malls, public markets, transportation hubs at sa mga major thoroughfares sa Kamaynilaan.
Dagdag pa niya, nasa heightened alert na ang lahat ng police units na National Capital Region.
Sinabi rin ni Aberin na maglalagay din sila ng nasa dalawang police officers bawat istasyon ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) stations upang matulungan ang personnel mula sa Philippine Coast Guard.
Ayon pa sa kanya, mas lalo pang palalawigin ang pagdeploy sa mga pulis simula December 16 kung saan magsisimula na ang Simbang Gabi at diin niya, hindi sila magiging kampante kahit walang namomonitor na seryosong banta ngayong holiday season.
“Sa mga kababayan natin na lalabas ng kanilang kabahayan para mag shopping or mag enjoy sa holiday season, paalala lang natin na huwag tayo magsuot ng mga mamahaling kagamitan or magdala ng mga mamahaling bagay, and sana palagi tayong alerto at mapagmatyag sa ating kapaligiran,” saad ni Aberin.
“Agad natin ireport sa pinakamalapit na police personnel na nakadeploy sa kalsada or police offices ang anumang observation sa paligid na kailangan ng immediate police action nang sa ganun ay agad natin maaksyunan at makapagresponde tayo,” dagdag niya.