
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Photograph Courtesy of the Bureau of Corrections
What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Tiniyak ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Huwebes na walang natatanggap na special treatment sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong ang nahatulan na dating alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, at tinawag na "malisyoso at walang batayan" ang anumang ulat na nagsasabing iba ang sitwasyon.
Sa isang pahayag, sinabi ni BuCor director general Gregorio Catapang Jr. na kasalukuyang sumasailalim si Guo sa mandatoryong limang araw na quarantine period matapos siyang ilipat mula sa Pasig City Jail patungo sa CIW noong Disyembre 6, bilang bahagi ng standard procedure.
Ayon kay CIW Chief Superintendent Marjorie Ann Sanidad, ang lahat ng preso, kasama si Guo, ay sumasailalim sa parehong mga regulasyon at restriksyon, at walang special privileges na ipinagkakaloob sa kanya o sa iba pang persons deprived of liberty (PDLs).
Tanging ang kanyang mga abogado lamang ang pinahihintulutang bumisita sa kanya, alinsunod sa itinakdang health and security protocols, dagdag ng BuCor.
Ayon sa bureau, binisita si Guo ng abogadong si Nicole Jamilla noong Disyembre 6 hanggang 9, sinundan nina Romar Cambri noong Disyembre 8, at nina Marc Lester Mamuri at Cheska Mhey Dela Paz noong Disyembre 10.
Itinanggi ni Sanidad ang mga ulat na maaaring nakakuha si Guo ng personal na cellphone ilang araw matapos siyang ma-detain, at iginiit na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga ito sa lahat ng prison facilities.
Aniya, ang patakarang ito ay pantay na ipinapatupad sa lahat, kabilang ang mga empleyado at tauhan ng BuCor, dahil walang sinumang pinapayagang magdala o gumamit ng personal na mobile device sa loob ng mga secured areas sa loob ng mga correctional facilities. Ang quarantine area sa loob ng Reception and Diagnostic Center (RDC) compound ay sumasailalim din sa parehong mahigpit na kontrol.