SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Ivana Alawi sinagot ang extra sa kanyang vlog

IVANA Alawi: Pumayag si kuya lumabas sa vlog ko.
IVANA Alawi: Pumayag si kuya lumabas sa vlog ko. LARAWAN MULA SA FACEBOOK
Published on

Hindi pinalampas ni Ivana Alawi ang panawagan ng isang guy na nakasama niya sa kanyang latest vlog.

Nagreklamo kasi ang isang Vio Pineda Javier at pinabubura ang kanyang appearance sa vlog ni Ivana matapos siyang ma-bash nang husto.

Sa eksena kasi nila ni Ivana ay nagsalita ang aktres ng "hindi naman ako madumi...bakit ka lumalayo sa akin."  Dahil doon ay na-bash si Vio.

Agad namang sinagot ni Ivana ang post ni Vio.

"Bilang isang Content Creator (puso), matagal na po ako gumagawa ng street pranks. Alam ko na kailangan magpaalam palagi sa mga ipapakita ko na hindi naka blur, kung papanoorin mo ang latest vlog ko na ‘Buntis,’ marami ang naka blur sa una at gitna dahil hindi kami humingi ng consent sa mga taong yun, at alam ko na bawal silang ipost kapag ganon dahil baka maba-bash at ma-judge lang sila. Ganon din sa iba kong mga pranks, lagi namin bini-blur," ayon sa post ni Ivana sa kanyang Facebook account.

"Ngayon, may lumabas na sinasabing dapat ko i-down dahil nakakakuha ng pambabatikos sa kanya. Pero hindi naman siya tumanggi sakin nung hiningan ko siya, sadyang naunahan lang siya ni kuya Hesus mag-abot at doon na nag-focus ang atensyon ko.

"Marami po kaming raw footage nung ‘Buntis Prank’ kung saan makikitang pumayag si kuya lumabas sa vlog ko pinaalam muna namin sa kanya ito bago kami umalis, at madami pa ang nangyari na hindi na namin sinama sa vlog.

"Pinakita namin sa kanya yung raw footage at nakalimutan lang daw niya at humingi siya ngayon ng pasensiya. Inaasar kasi daw sya ng mga taong kakilala nya na nakapanuod ng vlog ko na sayang ang 100k na dapat sa kanya napunta pero naunahan lang daw siya, kaya sya ay nakapag post ng ganun," paliwanag ng dalaga.

"Ipinaliwanag namin sa kanya na para kay kuya Hesus talaga yun dahil sa nakita at na experience ko na kabutihan ng puso ni kuya Hesus," dagdag pa niya.

Sa huli ay nakiusap si Ivana na huwag basta maniwala sa mga post sa social media.

"Paalala na din ito sa mga taong mahilig maniwala agad sa kung ano ang nakita sa social media. Tandaan po na laging may dalawang side ang kwento," say niya.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph