Malaking halaga ng pagbili ng tisyu ng SSS, pinuna ng COA



Vice President Sara Duterte and two of her aides were identified as potentially liable for the P73.3 million in…

A state auditor told the impeachment trial of Vice President Sara Duterte on Tuesday that confidential funds entrusted…

A dispute over documents supporting allegations of irregular confidential-fund spending could slow the impeachment…

In a single decade, the confidential and intelligence funds of one office grew more than thirteenfold, without any…

Malacañang on Wednesday dismissed online claims that Senator Ronald “Bato” dela Rosa had been arrested, describing it…
Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang pagbili ng Social Security System (SSS) ng mahigit 140,000 rolls ng tissue paper na nagkakahalaga ng P13.195 milyon noong nakaraang taon.
Ayon sa annual audit report ng COA, sobra ang bilang ng nabiling tissue paper, higit pa sa sapat para sa mahigit dalawang buwang suplay ng ahensya. Dahil dito, hindi na kasya sa imbakan ng SSS ang mga ito, at humigit-kumulang 116,046 rolls ang nananatili pa rin sa kustodiya ng supplier nang walang pormal na kasunduan, dahil sa kakulangan ng malinaw na polisiya sa procurement ng supplies at kagamitan.
Isiniwalat din ng supplier na verbal lamang ang naging kasunduan sa SSS, at walang anumang dokumentong sumusuporta, tulad ng kontrata o memorandum of understanding.
Ayon pa sa COA, hindi maayos na napagplanuhan ang naturang pagbili. Anila, ang halagang ginastos sana ay maaari pang napakinabangan ng 2,000 pensioners o ginamit para sa funeral benefits ng 650 pumanaw na miyembro.
Natuklasan din ng COA na may halos P3 milyon na kulang sa naibayad na SSS funeral benefits, na maaaring makaapekto sa benepisyong dapat matanggap ng mga legal na asawa ng mga pumanaw na miyembro.
Nadiskubre rin na may ilang pumanaw nang pensioners na nakatatanggap pa rin ng pension, na nagdulot ng P24.811 milyon na overpayment.
Bukod dito, lumabas sa audit na nagbibigay ang SSS ng cash incentives hanggang P50,000 bawat isa sa mahigit 6,000 opisyal at empleyado sa ilalim ng Prestige Award. Dahil dito, inatasan ng COA ang SSS na magsumite ng evaluation report na nagpapaliwanag kung paano tinutukoy ang pagbibigay ng naturang insentibo. Kung hindi makapagpaliwanag, dapat isauli ng SSS ang lahat ng hindi napatunayang cash incentives.