P60-B excess fund, ibabalik sa PhilHealth


Nagpasya nang unanimous ang Korte Suprema na ibalik sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang P60 bilyong sobrang government subsidy sa pamamagitan ng 2026 General Appropriations Act (GAA).
Nauna nang nailipat sa National Treasury ang naturang halaga, na bahagi ng P89.9 bilyong hindi nagamit na pondo ng state health insurer.
Ayon kay SC spokesperson Atty. Camille Ting, ang desisyon ay immediately executory o agad na ipatutupad.
Kasama rin sa naturang desisyon ang permanenteng pagbabawal sa paglilipat ng natitirang P29.9 bilyon.
Kung matatandaan, inatasan noon ang PhilHealth na isauli ang kabuuang P89.9 bilyong sobrang pondo sa National Treasury. Noong nakaraang taon, na-remit ang P60 bilyon, ngunit napigilan ang paglilipat ng P29.9 bilyon matapos maglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO).

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…