
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Mahigit P2.7-milyong halaga ng hinihinalang droga ang nakumpiska at mag-live-in partner ang nahuli ng otoridad pagkatapos magsagawa ng buy-bust operation sa may Barangay Baraca Camachile ng Bayan ng Subic, Zambales nitong madaling araw ng Disyembre 5, 2025.
Jennifer Canedo
What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Subic Town, Zambales — Mahigit P2.7-milyong halaga ng hinihinalang droga ang nakumpiska at mag-live-in partner ang nahuli ng otoridad pagkatapos magsagawa ng buy-bust operation sa may Barangay Baraca Camachile ng Bayan ng Subic, Zambales nitong madaling araw ng Biyernes.
Ayon sa Philippine National Police–Drug Enforcement Group (PNP-DEG) na nanguna sa operasyon, ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng PNP-DEG Special Operations Unit 3 (SOU3), Subic Municipal Police Station at ng PDEA Regional Office 3.
Nagbenta umano ang dalawang magdyowa ng iligal na droga sa isang undercover agent na pulis, na agarang hinuli ang nasabing mga suspek pagkatapos ng transaksyon.
Narekober ng mga pulis ang buy-bust money, mga plastic na sachet na may laman ng hinihinalang shabu na may bigat na 400 gramo at may tinatayang halaga na P2,720,000.
Ang mag live-in partner ay dinala sa SOU3 office para sa dokumentasyon at tamang disposisyon habang hinahanda ng otoridad ang mga karampatang kaso laban sa kanilang dalawa.