Alice Guo, sumailalim sa medical test para mailipat sa Correctional


Nakumpleto na ang lahat ng medical laboratory test ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo bilang paghahanda sa kanyang paglipat sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Isinagawa ang mga pagsusuri sa loob ng Pasig City Hall nitong Huwebes, at kinumpirma ito ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Kung matatandaan, nag-isyu ang Pasig Regional Trial Court ng commitment order na nag-aatas na ilipat si Guo sa CIW upang doon niya simulan ang pagservisyo sa kaniyang sentensiya.
Ayon sa BJMP, bahagi ng standard pre-transfer protocol ang mga medical test bago itinurn-over ang isang inmate sa Bureau of Corrections (BuCor).
Nauna nang ibinasura ng Pasig RTC Branch 167 ang kahilingan ni Guo na manatili sa Pasig City Jail, dahil ang CIW ang itinalagang pasilidad para sa mga high-risk female inmates.
Matatandaang na-dismiss si Guo bilang alkalde matapos maugnay sa kontrobersiya kaugnay ng umano’y koneksiyon niya sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Bamban.
Nahaharap din siya sa iba’t ibang kasong kriminal at administratibo, kabilang ang falsification at paglabag sa immigration laws, matapos kuwestiyunin ng Senado ang kanyang tunay na pagkakakilanlan.
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…