
typhoon "Pepito,"
Photo courtesy of Dost_pagasa | FB
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Nakataas na sa Signal No. 1 ang Tropical Cyclone Wind sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa bagyong Verbena.
Ang bagyong ito ay nagsimula sa dating Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Mindanao na namataan noong nakaraang linggo at huling naitala ang sentro nito sa layong 330 km silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 45 km/h malapit sa gitna at pagbugsong umaabot hanggang 55 km/h. Patuloy itong kumikilos pa-kanluran sa bilis na 30 km/h.
Narito ang mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1
LUZON
Katimugang bahagi ng Occidental Mindoro (Magsaysay, San Jose)
Katimugang bahagi ng Oriental Mindoro (Bulalacao, Mansalay, Roxas, Bongabong)
Romblon
Mainland Masbate
VISAYAS
Gitna at timog na bahagi ng Eastern Samar (Borongan, Guiuan, at iba pa)
Gitna at timog na bahagi ng Samar (Catbalogan, Basey, Calbiga, at iba pa)
Biliran, Leyte, Southern Leyte
Hilaga at gitnang bahagi ng Cebu kabilang ang Cebu City, Mandaue, Lapu-Lapu, Carcar, Naga, Toledo, Talisay, Bantayan Islands, at Camotes Islands
Bohol
Hilagang bahagi ng Negros Occidental (Bacolod, Silay, Victorias, Cadiz, Sagay, San Carlos, at iba pa)
Hilagang bahagi ng Negros Oriental (Guihulngan, Canlaon, Vallehermoso, at iba pa)
Iloilo, Capiz, Aklan, Antique (kasama ang Caluya Islands) at Guimaras
MINDANAO
Dinagat Islands
Surigao del Norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands
Hilagang bahagi ng Surigao del Sur (Tandag, Cantilan, Madrid, at iba pa)
Hilagang bahagi ng Agusan del Norte (Cabadbaran, Tubay, Santiago, at iba pa)

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…