Pilipinas, wasak na!?



Ikinasal na ang aktres na si Bea Alonzo at negosyanteng si Vincent Co sa isang pribado at intimate na civil ceremony sa…

Naglabas si Bise Presidente Sara Duterte ng pahayag kaugnay ng ikaapat na araw ng kanyang impeachment trial.
Nananatiling nangunguna ang Pilipinas bilang pangunahing tagapagsuplay ng mga seafarer sa buong mundo, ayon sa 2026…

Sinagot ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang pahayag ni Davao City Mayor Baste…

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…
Sabihin na natin nang diretso: Para na tayong bansang ginulpi ng sariling gobyerno. Linggo-linggo may bagong iskandalo, bagong “ghost project,” bagong bilyong naglaho na parang kumurap lang ang BIR. Parang teleserye na walang katapusan pero tayo ang laging ginagawang kontrabida at tanga.
At sa gitna ng krusadang ito ng katangahan -- si President Ferdinand Marcos Jr. mismo. Ang kapitan ng barkong “Build, Better Ghosts,” isang programang imprastraktura na mas madalas nakikita sa PowerPoint kaysa sa aktwal na mundo.
Flood control daw, pero tuwing uulan, lumulubog tayo hanggang leeg. Flood control ba ‘yan o aquatic theme park?
May nagtatanong pa: “Kaya pa bang ayusin ni Marcos?” Aba, paano? Papaano mong aayusin ang bahay kung ikaw mismo ang may hawak ng posporo?
Tingnan mo ang paligid. Mga ahensiya nag-uuntugan. Oversight bodies na di alam kung oversight o oversight lang talaga.
Kongreso nag-iimbestiga kuno pero parang nanonood ng sine habang nagpa-popcorn ng pork barrel. At ang Pangulo? Mukhang mas naiinis kaysa nababahala, parang nasira lang ang schedule niya, hindi ang bansa.
Noong araw, kahit papaano, may ginagawa ang mga lider. Si Ramos, binasag ang telecom monopoly. Si Arroyo, pinagdugtong ang kapuluan gamit ang Nautical Highway. Si Aquino, nagpaulan ng investment-grade ratings. Si Duterte, well… nagpatayo siya ng totoong kalsada, tulay, airport, flood control—kahit parang end-of-the-world ang energy niya sa trabaho.
Ngayon? Ang meron tayo -- rebranding. Announcements. PowerPoint. “Build, Better More.” More what? More corruption? More paasa? More na wala namang nangyari pero ang kapal ng mukha ng mga opisyal magpa-presscon?
May nagtatanong kung irreparably damaged na ba ang bansa.
Mali ang tanong. Mas tama siguro: hanggang kailan kakayanin ng Pilipinas ang lider na parang substitute teacher na ayaw naman talagang magturo—lalo na’t nasusunog na ang eskwelahan?
Pero may twist. Buhay pa ang Pilipino. Nagmamarcha. Nagagalit. Tumitindig. Hindi nagpapagaslight.
Kaya hindi pa wasak ang Pilipinas. Pero ang nagmamaneho ngayon? Ay, wasak na wasak.